9. CAPÍTULO II
9.1. ANÁLISIS DE LOS INSTRUMENTOS DE LARGO PLAZO EN LA RELACIÓN DEL RÍO SINÚ Y LA
9.1.1. Análisis del PLAN DE ORDENAMIENTO TERRITORIAL 2002: Acuerdo 018 del 31 de
“I wanna push you around, well i will, well i will I wanna push you down, well i will, well i will
I wanna take you for granted, i wanna take you for granted Yeah, well I will…”
Anim na beses na naming inuulit ang kanta ni Rodney. Ako sa tiklado, siya sa voice box.
Tumigil ako ulit, “Rodney… Bitin talaga ‘yung iba mong tono.”
Napabuntong hininga siya. Mukhang disappointed pero tila wala namang balak mag-reklamo. “Okay, ulit ulit?”
Parang ako naaawa na rin sa kanya. Pursigido naman. Saka maayos naman kumanta, ilang nota lang naman ang sumasablay. Hindi na mahahalata ng common audience.
Pero talagang metikuloso manitik ang tainga ko pagdating sa boses. Siguro na rin sa karanasan ko sa choir noon, natutunan ko na lagi dapat may tonal proficiency kapag umaawit.
Inulit namin ang kanta, pero lagi akong napapatagil sa chorus part.
Mag-iisang oras na kaming ganoon.
“Ganito, gayahin mo ko…” payo ko sa kanya, “I wanna push you down, well I will…”
Sumunod naman siya, “well I will…”
“Well I……” may emphasis sa salitang I. Doon siya nafa-flat.
“Well, I will, well I will…”
“Kantahin mo ‘yan hanggang sa makauwi ka,” mariin kong sabi.
Tumawa siya. Akala niya siguro nagbibiro ako.
HALLUR| pinoyexchange.com/ap section
“Hoy, seryoso ako,” saway ko sa kanya, “kung kailangan mong pasakan ang tenga mo ng headphones at pakinggan ang Matchbox 20 hanggang sa
makatulog ka mamaya, gawin mo.”
“Sungit mo naman Coach Jayjay,” tampong-batang turan ni Rodney.
“Isipin mo kapag mataas ang tono. Paghandaan mo. Baon ka ng hininga.
Turuan mo ang sarili mo na pakinggan mo ang boses mo habang kumakanta kasi kapag nasa concert hall tayo, at pangit ang acoustics hindi mo alam, sumasablay ka na,” paliwanag ko.
Kumatok ang lalaking may-ari ng lugar. “Time na.”
Tumango ako, “okay po.”
Pagkatapos ay naghati na kami ng bayad at inabot sa may-ari.
“So far, dalawang kanta pa lang ang nasa ipon natin,” sabi ko habang nag-aayos na kami ng mga gamit, “you give love a bad name at push. Paano pala
‘yan kapag original na kompo na ang ipakakanta ko sa’yo, eh di lalo akong namroblema sa’yo?”
“Hirap mo pala talagang maging coach, pero ang dami kong natutunan,”
nakangiti niyang sambit, “Sana pagtiisan mo ako.”
“Okey ‘yan,” simple kong sagot.
Pagkatapos noon ay wala na akong sinabi. Tinuloy ko na lang ang pag-ayos ng keyboard at mga mic na inarkila namin. Siya naman nag-aayos ng bag niya.
“Knock knock.”
Napatingin ako sa kanya. Saka na-realize kung ano ang gusto niyang mangyari,
“who’s there?”
“Majinbu.”
Naaalala ko pa lang ang hitsura ni Majinbu na kalaban ni Gokou at kahawig ni Patrick the Starfish ay napapahagikhik na ako. “Hehe, Majinbu, who?”
HALLUR| pinoyexchange.com/ap section Kumanta siya. Papitik-pitik pa, “Girl, I was there… And you were my baby… It started when we were younger you were Ma… Jinboo…”
Napahalakhak ako sa kakornihan.
“There. Finally. I saw you smile again,” ani Rodney.
Napatigil ako’t tumingin sa kanya. Nakangiti siya sa akin
“Alam ko, hindi ka completely comfortable sa akin dahil sa mga nangyari,” he spoke, “hindi kita masisi. Napagdiskitahan kita eh.”
“Huwag mo na lang sigurong gawin sa akin ulit,” iyon lang ang nakayanan kong isagot.
“Okay...”
Baka kasi kung ano pa ang maisip ko… sabi ng isang boses sa nakabaon kong kamalayan. Pero I shrugged it off. “Nakakabastos kasi. At kahit sa ibang babae o lalaki huwag mo na ring gawin. Hindi makakabuti para sa Lightning Train Commuters ang magkaroon ng silahis na bokalista. Sana kung ikaw si Freddie Mercury.”
“Sorry, if you felt na nabastos kita,” paumanhin ni Rodney.
“Basta nga huwag mo nang gagawin at sasapakin na talaga kita.”
Tumungo siya sandali na tila nag-isip ng malalim.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagsara ng zipper upang tuluyan nang maipasok ang organ sa loob ng bag nito, pagkatapos ay iniwan kong nakasandal sa pader.
“Alam ko na!” bigla bulalas ni Rodney.
Nagulat ako, “HOY! Ano ba, nakakabigla ka!”
Tinanggal niya ang isang itim na Baller ID na bracelet mula sa kanyang
kaliwang braso at inabot sa’kin. “Heto, Jay peace offering ko sa’yo. Kunin mo.”
Lumayo ako ng kaunti. “Huh? Huwag na! Peace offering ka pa diyan!”
HALLUR| pinoyexchange.com/ap section
“Sige na!” pilit nito.
Umiling ako, “saka hindi ako mahilig sa mga Baller ID o kaya bracelet o
kuwintas. Ayo’kong may mga nakasabit sa katawan ko. Kahit relo nga wala ako, oh.”
“Hindi mo naman kailangang isuot, eh,” sabi pa nito, “saka hindi ‘to basta-basta Baller ID. Isa ‘tong Slave Tag.”
“Slave tag? Ano ‘yun?”
“Kapag may kasalanan akong big time sa isang tao, ibinibigay ko sa kanya ang baller ID na ito.”
Sapilitan niyang isiniksik sa kanang palad ko ang rubber bracelet. Hinayaan ko na iyong maiwan sa kamay ko.
“Mamili ka ng araw na ibabalik mo sa akin ang Slave Tag na ‘yan. At sa araw na ibabalik mo sa’kin ‘yan, magiging alipin mo ako for that whole day.”
Matagal bago nag-sink-in sa akin ang sinasabi niya. Lalo na ang salitang
“alipin.”
“Rodney, may pagkabaliw ka nga. Huwag mo nga akong ginagago.”
“Hindi, seryoso ako!” pilit nito, “kapag alam kong malaki ang kasalanan ko sa isang tao, nagpapa-alipin ako sa taong ‘yon ng isang buong araw. Para naman maramdaman niya ang sinseridad ko sa paghihingi ng sorry.”
“Ano naman ang ginagawa mo kapag alipin ka?”
“Base sa pinagbigyan ko niyan. Siyempre kung ano’ng iutos ng amo, gagawin ko. Basta ang rule, whatever you make me do should not lead me to
bankruptcy, mutilation or death. Dalawang tao pa lang ang nabibigyan ko niyan.
‘Yung isa classmate ko ng college. Nawala ko ‘yung project niya kaya bumagsak siya. Ang pinagawa niya sa’kin nu’ng nagpa-alipin ako sa kanya, nilinis ko ang kuwarto niya at ginawa ang isa pa niyang project sa ibang subject.
“’Yung isa naman ‘yung kasama ko sa trabaho dati. Nadamba ko siya ng malakas habang nagba-basketball kami, mali ‘yung pagka-bagsak niya, na-orthopedic siya at na-komang. Ang pinagawa naman niya sa’kin, pinag-organize niya ako ng secret anniversary celebration nila ng syota niya. As in ‘yung
malakihang celebration. Kasal na sila ngayon.”
HALLUR| pinoyexchange.com/ap section Sumabad ako, “huwag na nga, Rodney. Hindi mo na kailangang magpakababa ng ganoon para lang mapatawad ka.”
Ibabalik ko na sana sa kanya ang baller ID, pero pinigilan niya ako. “Keep it Jay. It may just come in handy. Hindi naman kailangang ngayon na. The offer still stands as long as the Slave Tag is with you. Baka mamaya kailanganin mo ng katulong sa isang malaking problema. Malay mo.”
Ipinasok ko sa backpack ko ang bracelet, “hay naku, bahala ka. Baka hindi rin naman bumalik sa’yo ‘to.”
“Good! So, are we friends?”
Nilahad niya ang kanyang kanang palad.
Tinitigan ko muna iyon bago ko abutin at nakipag-shake hands, “fine. Friends.”
“Uuwi ka na?” tanong ni Rodney nang magkalas kami.
Sinukbit ko ang backpack ko, “oo, pagod na ako, eh.”
“Ah, sayang ‘di ako makakasabay sa’yo sa LRT. May dadaanan pa kasi ako sa grocery sa Isetann. May pinabibili nanay ko.”
“Okay, basta sana mapigilan mo lang impulses mo, maawa ka naman sa girlfriend mo,” walang kaabog-abog kong sabi.
“Break na kami ni Apple,” biglang bulalas ni Rodney.
Natahimik ako. Nagulat sa ibinunyag niya.
“Nagsimula kaming magkalabuan nu’ng araw na nagkasagutan tayo. ‘Yun ‘yung sinasabi kong naipon-ipon na problema. ‘Yung nakita mo kami nag-aaway sa LRT nung isang araw, nag-break kami nung gabing ‘yon.”
“Bakit?”
“Ayaw niya na akong magbanda dahil nawawalan daw ako ng time sa kanya.”
“I-I’m sorry to hear that,” ang tanging nasambit ko, “ano ang plano mong gawin niyan…?”
HALLUR| pinoyexchange.com/ap section Naghalukipkip siya, “pinapili niya ‘ko. Kaming dalawa o ang banda? Banda ang pinili ko. Importante siya para sa’kin, pero after four years ng pagsasama, hindi pa rin niya maintindihan kung gaano kaimportante sa akin ang musika. So, ano’ng gagawin ko? Papanindigan ko ang pinili ko. Magbabanda pa rin ako.”
Tumango ako, “okey, hindi ko alam kung maganda ‘yang nangyari, pero good at nanindigan ka para sa banda.”
He smiled. “Thank you, at least na-appreciate mo ‘yun.”
Reluctantly, ngumiti rin ako sa kanya.
Nagkibit-balikat siya, “okey na rin ‘yon. May iba naman na ‘kong gusto ngayon.”
Biglang sumikip ang dibdib ko. Hindi ako ulit sumagot.
“Hindi ko nga lang alam kung gusto rin niya ako kasi hanggang ngayon parang irita pa rin siya sa’kin. Pero, malay natin. Kung suyuin ko siya, baka
magustuhan din niya ako.”
At hayun na naman ang nang-aakit niyang ngisi.
Ako naman, blankong stare lang
“Bye Jayjay,” sabay talikod. Nauna siya sa aking lumabas ng garage band studio.
HALLUR| pinoyexchange.com/ap section TLTCB Chapter 7