''goodmorn----'' dirediretso si Twaylem na pumasok sa classroom, at galit na galit si Fifi.
''ay hindi pala goodmorning, bad morning Fifi.'' parang may hinahanap siya.
''si Tao?''
''wala ako sa mood makipag lokohan Kyd. Nasaan yang gagong lalakeng yan?'' kwinelyuhan ni Twaylem si Kyd. At halos malaglag ang panga ko sa ginawa ni Fifi.
''ohhhh bespren.. Nasa labas siya.. Sa may rooftop. Nag papahangin.'' ngayon ko lang napansin na nakakatakot palang tumingin si Fifi. As in super duper scary.
>__<
TAO
napano na kaya si Sue? Okay na kaya siya? Napakapa ako bigla sa may bulsa ng pants ko. At nakapa ko yung cellphone ni Twaylem.
''shooot! Hindi ko na siya nabalikan! Nakauwi na kaya siya?? Nako... Sigurado bumubulusok na siya sa galit.''
''YOSHIDAAAAAAAAAAAAAAAA!'' napalingon ako ng marinig ko ang apelido ko.. At nakita so si Twaylem na galit na galit na patakbo sa akin. At halos mag kulay red ang mukha sa sobrang galit.
''YAAAAAAAAAAAAAA!!!''sinipa niya ako, sa may panga.
''alam mo ba kung gaano ako katagal nag hintay sayo?!!! Halos nag mukha akong tanga at pagtawanan ng mga taong nakakasalubong ko sa mall!!'' halos manginig na siya sa sobrang galit.
''May pinuntahan lang akaong importanteng tao.Tanga karin e, bakit mo pa ako hinintay?!!!'' sa sobrang inis ko sinigawan ko na siya.
''ipapa ala ko lang sayo na sinabi mo na HINTAYIN KITA! O anong ginawa ko? Edi hinintay kita.''
''tsss, tanga kaba? Bakit hindi ka nag pa sundo?!''
''wow, ikaw pa ang galit.'' at sabay sampal sa akin.
''pumunta ako ng mall ng walang ka pera pera kahit piso and to think napakalayo ng bahay namin sa mall na yun! anong gusto mong gawin ko? Lakrin ko yun? Tsaka sabihin mo nga paano ako mag papasundo kung pinaiwan mo yung cellphone ko sa sasakyan mo?!'' napatahimik nalang ako at napahawak sa may pisngi ko.
''Ngayon sasabihin mo na mag pasundo ako? Wow.. Ang kapal mo. super. Alam mo Tao? nagiging interesado na sana ako sayo.. Pero sa ginawa mo.. Nag bago lahat. wala ka palang isang salita.' WALA KANG KWENTA!!' at tumakbo na siya papalayo sa akin.
Hinabol ko naman ito.
''Twaylem, hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman..'' nag madali itong bumaba ng hagdan. At hindi niya man lang pinakinggan yung explanasyon ko. So hinyaan ko nalang siyang umalis.
Dahil dun sa sinabi niya.. Parang sobrang pinamukha niya sa akin kung gaano ako kasama. At na gu-guilty ako sa ginawa ko.
Ng pumasok na ako sa classroom, napansin kong wala si Twaylem.
''alam mo ba kung anong ginawa sa akin ni Twaylayt?? Kwinelyuhan niya ako pare. At sobrang galit na galit siya sa akin.. Ano ba kasing nangyare??'' pag uusisa ni Kyd.
''oo nga, nakakatakot magalit si Twaylem. Parang mangangain ng tao.'' sabi naman ni Law.
''pinuntahan ko si Sue.'' pag eexpleka ko.
''ANO?!'' sabay nilang sabi.
''pinuntahan mo si Sue?'' napahilamos sa mukha si Kyd.
''o anong ginawa mo kay Twaylem??'' tanong naman ni Law.
''iniwanan ko siya.'' at sabay na sabay silang napakamot sa ulo.
''iniwanan mo siya? Na naka pan tulog at mukhang eskepik sa mall??'' tumango lang ako.
''Tsssk tsssk.. sabi ng f(x) you're in danger! Pinocchio'' sabay demonstrate ng sayaw ni Law.
-___-'' -ako
''tumigil ka nga, kabadingan nanaman. Nahahawa kana kay baklang lupa.''
''mag pa sorry ka sakanya.'' bigla kaming napatingin ng sasaby sabay sa babaeng bigla nalang nag salita.
''aba Jodee ikaw pala.'' ngumisi lang ito.
''nakita ko siya kahapon.. Siguro mga 11 na yun. halos umiiyak na at lapitan siya nung mga lasing na lalake.'' nanlaki yung mata ko sa narinig ko.
''LALAKE?!'' late reaction naman nina Law at Kyd.
''nako, kaya naman pala galit na galit yung si Twaylayt.... Hala ka Tao, kailangan mo ng matinding sorry.'' pango- ngonsensya pa ni Kyd.
''bat ako mag so-sorry?? psss'' tumayo ako at sinipa ko yung lamesa..
I ruffle my hair, dahil nababaliw ako. Paano kaya siya naka uwi?? Geeeez. Pero bakit kailangan kong makonsesnya? Diba dapat mas okay? Kase malapit na kaming mag ka balikan ni Sue. Pero...
TWAYLEM'S POV
Whoo finally, naka ganti din ako sakanya. Pinuntahan ko agad itong si Shin at ibabalita ko sakanya ang magandang pangyayari.
pumunta ako sa section BLUE at hinanap siya. At sa di kalayuan nakita ko siya nakikipag laro ng jack stone.
Sumandal ako sa amba ng pintuan nila.. At pinanuod siya. Grabe lang, ang cute niyang tignan. Ng mapansin niya siguro na may nanunuod sakanya. Agad siyang tumayo at pinuntahan ako.
''ikaw pala.. Nakita mo??'' matawa tawang sabi niya.
''nakita?? Ang alin???'' nag pre-pretend ako na wala akong nakita.
''yung ano.. aaaah never mind.'' sabi niya nalang.
''cute tignan..'' ngumiti ito ng pag katamis tamis..
''o bute pala at naligaw ka dito sa classroom namin??'' pag tatanong nito sa akin.
''ahh oo, tara! Labas tayo. Libre kita..'' hindi ko na pinatapos pa yung sasabihin niya, at hinila ko na siya. Kinaladkad papalabas ng L.A..
Pumunta kami sa isang fast food chain, nag order ako ng maraming maraming maraming fries. At super duper large cola. Oww yeah! Nasa heaven na ako.
''woahh, hindi ka naman gutom?''
''alam mo kase, pag masaya ako kumakain ako ng marami!'' natawa ito sa sinabi ko.
''diba dapat pag depressed dun kumain ng marami?? Pero ikaw baliktad.''
''alam mo kase Shin, hindi uso sa akin yung depressed depressed.''
''wala kabang pake alam kung tumaba ka??'' napatigil ako sa pag kain ng fries.
''tss, wala talaga. Bakit ko gugutumin yung sarili ko? Sarap kayang kumain.. Tsaka hindi naman ako tumataba kaya keri na yan.''
Maya-maya din ay sinabayan niya na akong kumain. At nako, heto na pakiramdam ko may negatibong enerhiya akong na kakalap. Tumingin tingin ako sa paligid...
''diba si Sue yon?'' sabay turo ni Shin dun sa babaeng napaka glamorosa.
Aminado naman ako e, maganda si Sue. Siguro matatawag ko siyang bitch dahil sa pinapakita niya sa akin. Pero paano kung mabait talaga siya???
edi masaya, kase MA BU-BULLY KO SIYA. MWUHAHAHAHAHAHAHAHHA!!
''papunta yata sila dito??'' sabi ni Shin. Oo nga, papunta nga sila dito.Bakante paman din yung table sa tabi namin. So doon sila umupo.
tahimik lang ako, dahil nag cha-charge ako. Kailangan kong mag palakas para mapabagsak ko ang napakalaking BANGAW sa paningin ko.
''My god, Sabi ko na sainyo na mahal ako ni Tao. Isang tawag ko lang at para siyang aso na bumuntot sa akin. Like I'm so maganda diba??'' sabay tawa nilang tatlo. Tahimik lang ako.. At si Shin pinag mamasdan lang akong kumain.
''we know right??'' Ginawa nila ang handshake nila na ang O.A at napaka CHEEEEAP.
''like omy god Sue, yeer Sueee'per Ahh-mazing talaga.. ha ha ha'' wow hah? Ang bongga lang nilang mag english. Pero nakaka damage ng tenga.
''Pag nakita ko yung Twaylem girl na yun, siya naman yung sasampalin ko. Tama bang sampalin ako??'' at automatic ng naglagablab ang mata ko.. Hinawakan ni Shin yung kamay ko at sinabing 'kalma lang ako'.
So kumalma naman ako.
''Like OMG, sinampal ka niya. My God taga L.A talaga, walang sinasanto. Pare-pareho silang anak ng demonyo.'' kasabay ng pag tawa nila ang pag tayo ko.
Pumunta ako sa likod nung babae. I don't who the hell she is, pero kailangan niyang bawiin ang sinabi niya kung hinde.
Hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sakanya.